SANA TAYO NA LANG
By: Ma. Clarizza H. Lazaro
Nung una akala ko kaibigan ka lang para sa 'kin,
At ngayon hindi ko aakalaing
Na sa akin, ika'y unti-unti nang napapamahal,
Pag-ibig mo lang ang tanging hangad at dasal
Sa maiksing panahon na tayo'y naging malapit,
Umuusbong na damdamin hindi mawaglit
Tuloy ikaw ngayon sa akin ay lumayo,
At sabi mo pa'y imposibleng maging tayo
Minsan naisip ko sana tayo na lang,
O kaya'y isang araw makasama ka lang
'Pagkat ikaw lang ang sinisigaw ng damdamin,
Ngunit hindi maamin-amin
Ngayon ay malapit ka nang umalis,
Oras at panahon ay sadyang kay bilis
Ang hindi makubli ng puso,
Na ikaw ay tunay na minamahal ko
This poem is dedicated to you and you know who you are. :)

0 comments:
Post a Comment